Ex-DOJ Sec. Raul Gonzalez pumanaw na

Former Justice Secretary Raul Gonzalez. STAR/Boy Sanos, file

MANILA, Philippines – Sumakabilang buhay na si dating Justice Secretary Raul Gonzalez kagabi.

Ayon sa mga ulat, binawian ng buhay ang dating kalihim habang naka-confine sa National Kidney Transplant Institute sa lungsod ng Quezon bandang 10:45 ng gabi.

Multile organ failure ang ikinamatay ni Gonzalez na noong Biyernes pa dinala sa ospital.

Umupong Justice secretary si Gonzalez sa ilalim ng administrasyong Arroyo.

Unang naging kinatawan ng Ilolilo si Gonzalez noong 1995 hanggang 2004.

Show comments