MANILA, Philippines – Binatikos ni Palawan’s 3rd District Rep. Douglas S. Hagedorn ang kawalan umano ng abilidad ni Comelec Chairman Sixto Brillantes at mga taga Commission on Elections sa pagkabigo nilang maipatupad ang kanilang tungkulin ng pagsasagawa ng recall elections sa Puerto Princesa na naaayon sa batas.
Nabatid na sa itinakdang 1987 na Saligang Batas, ang Comelec ay may kapangyarihan na ipatupad ang lahat ng batas at regulasyon sa eleksiyon, plebesito, referendum at recall. Subalit ang poll body ay tumangging kumilos sa inihain na recall petitions nang mangatwiran umano sila ng “kawalan ng pondo”.
“How could Comelec ignore Puerto Princesa City’s over 40,000 recall petitioners, which in fact exceed the required 20% of the City’s voters?” saad ni Hagedorn.
Noong 2013 ang Comelec ay may naipon na P3.6 bilyon. Kung nanaisin ng Komisyon ay madali nitong mapopondohan ang recall sa Puerto Princesa, na batay sa pagtaya ng Comelec ay tutustos lang ito ng may P13.4 milyon, pagsisiwalat ni Hagedorn.
Kinumpirma kamakailan ni Budget Sec. Butch Abad at House Appropriations Committee Chair Rep. Isidro T. Ungab na ang Comelec ay may kakayanang maglaan, pangasiwaan at gamitin ang naipon nitong savings para maipatupad ang kanyang tungkulin.
Aniya, sakali ay irerekomenda ko sa appropriations committee na magkaroon lamang ng badyet na piso ang Comelec dahil may naipon naman ito na bilyong piso.