Enrile, Napoles nagpasok ng ‘not guilty’

MANILA, Philippines – Nagpasok ng not guilty plea si Sen. Juan Ponce Enrile at negosyanteng si Janet Napoles sa ginawang pagbasa ng sakdal ng Sandiganbayan 3rd division kahapon kaugnay ng kanilang kasong graft na may kinalaman sa pork barrel scam.

Hindi naman nagpasok ng anumang plea ang kapwa nila akusadong si Atty. Gigi Reyes kayat ang korte na lamang ang nagpasok ng not guilty plea para rito.

Sa naturang arraignment, sinabi ni Sen. Enrile na wala siyang ginawang anumang krimen kaugnay ng naturang kaso.

Dito, pinaupo si Enrile sa lawyer’s table katabi ang dating chief of staff na si Reyes dahil pareho naman daw ang mga itong abogado. Napansin namang nagbatian at sandaling nag-usap ang dalawa.

Itinakda ng graft court ang pre-conference trial sa kaso mula Oktubre 16 hanggang Disyembre 2014.

Show comments