Enrile, Napoles humirit ng 'not guilty'

MANILA, Philippines — "I am not guilty. I have not committed any crime.”

Ito ang tugon ni Senador Juan Ponce Enrile sa korte matapos siyang basahan ng sakdal ngayong Biyernes sa Sandiganbayan para sa kasong graft kaugnay ng pork barrel scam.

Ganito rin naman ang plea ng itinuturong mastermind sa pork scam na si Janet Lim-Napoles na binasahan din ng sakdal sa kabila ng kanyang kahilingan na huwag nang dumalo ng mga pagdinig.

Samantala, tumanggi namang magpasok ng plea ang dating chief of staff ni Enrile at abogadang si Jessica “Gigi” Reyes, kaya naman ang korte na ang naghain ng not guilty plea.

Pawang nahaharap ang tatlo sa kasong 15 counts ng graft sa Third Division ng anti-graft court.

Kasalukuyang naka-hospital arrest si Enrile sa Philippine National Police General Hospital sa Camp Crame sa lungsod ng Quezon, habang nakakulong naman sa Camp Baong Diwa sa Taguig si Napoles at nasa Quezon City detention facility si Reyes.

Show comments