MANILA, Philippines - Pumayag na ang Sandiganbayan Fifth Division na maiprisinta ang bank records ni whistleblower Benhur Luy at iba pang saksi sa pork barrel scam case.
Ito’y makaraang i-subpoena ng graft court ang mga representatives ng walong bangko para dumalo sa pagdinig ng korte at iprisinta ang bank records ni Luy at kanyang mga magulang na sina Arthur at Gertrudes Luy at mga saksi sa kaso na sina Merlina Suñas at Marina Sula.
Ang mga pinapadalo ng Sandiganbayan sa pagdinig ay ang mga representatives ng UCPB, BDO, Metrobank Corp., Land Bank of the Philippines, PSBank, Metropolitan Bank and Trust Company, BPI at Citibank.
Ang subpoena ay bilang tugon sa mosyon ng kampo ni Napoles na maiprisinta ang bank records ng mga nabanggit upang ma-examine ito at mapatunayan ang alegasyon na ang mismong mga witnesses sa kaso ang nagbulsa sa pera na mula sa pork scam.
Kinumpirma naman ng abogado ni Luy na si Atty. Raji Mendoza na si Luy ay may 19 bank accounts.