Napoles ayaw nang dumalo ng hearing

MANILA, Philippines – Hiniling ng kampo ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles na huwag munang dumalo sa mga pagdinig ang itinuturong mastermind sa pork barrel scam dahil sa masamang kalusugan.

Sinabi ni Napoles, sa pamamagitan ng kanyang mga abogado, kay Sandiganbayan Third Division chair Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang na hindi muna siya makadadalo ng mga pagdinig para sa kanyang kasong plunder at graft dahil sa “physical at mental fatigue.”

"She has been experiencing physical and mental fatigue in going to Sandiganbayan from her detention facility in Camp Bagong Diwa and back when attending the said bail hearings, in addition to the anxieties brought about by being a detention prisoner," nakasaad sa mosyon.

Sinabi pa ng mga abogado ni Napoles na kagagaling lamang din ni Napoles sa operasyon noong Abril.

"Apart from being a diabetic, accused had undergone a major operation for the removal of her uterus, both ovaries, and still recovering.”

Kasalukuyang nakakulong si Napoles sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig dahil sa pagiging utak umano sa P10 bilyon pork scam.

Show comments