MANILA, Philippines - Nagka-aberya na naman ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3) kahapon ng hapon.
Ayon kay Atty Hernando Cabrera, tagapagsalita ng MRT, ganap na alas-4:30 ng hapon ay nagkaroon ng problema sa signaling system ng MRT kaya pansamantalang nahinto ang biyahe ng magkabilang linya.
Sinabi ni Cabrera, agad namang isinaayos ng kanilang mga tauhan ang calibration ng mga pumalyang signaling system at ganap na alas-5:00 ng hapon ay muling nanumbalik sa normal ang operasyon ng MRT.
Nainis naman ang mga naantalang pasahero ng MRT, lalo pa’t magra-rush-hour noong magkaroon ito ng panibagong aberya.
Halos araw-araw ay nagkakaroon ng aberya sa MRT kaya patuloy na humihingi ng paumanhin si Cabrera sa kanilang mga pasahero.