MANILA, Philippines - Hindi kinagat ni Pangulong Aquino ang ice bucket challenge na ginawa ni Justice Sec. Leila de Lima.
Sinabi ng Pangulo sa interview ng Bombo Radyo, huwag na munang pag-usapan ang tungkol sa ice bucket challenge dahil maraming problema ang bansa na dapat mas bigyan ng prayoridad.
Paliwanag pa ng Pangulo, may sipon siya ngayon kaya hindi rin siya uubra na sumailalim sa ice bucket challenge na ginawa ni de Lima kamakailan.
Wika pa ng Pangulo, sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2016 ang una niyang gagawin ay kakain siya ng masarap at mayroong streamer sa likod niya na nakasaad ang ‘kalayaan’.