^

Bansa

115 Pinoy ­peacekeepers iku-quarantine vs Ebola

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Health (DOH) na hindi ligtas sa kanilang monito­ring ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na babalik ng bansa mula sa West Africa na apektado ng Ebola epidemic.

Aabot sa 115 Filipino peacekeepers mula sa Liberia ang nakatakdang bumalik ng bansa sa mga susunod na linggo. Isasailalim ang mga ito sa 21-day quarantine sa loob ng barko o military camp sa sandaling dumating sa bansa.

Ayon kay DOH Asst. Sec. Enrique Tayag, ang planong quarantine sa mga peacekeepers ay upang matiyak  na maa­yos pa rin ang mga panga­ngatawan nito at hindi nagkaroon ng nasabing sakit.

Aniya, kailangan na matiyak na 100 porsiyento na walang dalang virus ang sundalo pagdating sa bansa.

Posibleng hindi rin pabalikin ng bansa ang sinumang  sundalo o OFW na may sintomas ng virus.

Kasalukuyang nagsa­sagawa ng 3-day regio­nal forum kung paano maiiwasan ang Ebola na dinaluhan ng may 18 bansa mula Southeast Asia at European Union.

AABOT

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF HEALTH

EBOLA

ENRIQUE TAYAG

EUROPEAN UNION

SOUTHEAST ASIA

WEST AFRICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with