^

Bansa

$42 M ill gotten wealth ni Marcos, pinasosoli ng Sandiganbayan

Butch Quejada, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinasosoli ng Sandiganbayan ang may $42 milyong diumano’y ill gotten wealth ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa ipinalabas na writ of execution ng Sandiganbayan Special Division, ipinakukuha nito ang lahat ng assets na may kinalaman dito na nasa Arelma Inc., ang foundation na binuo ni Marcos sa ilalim ng Panamanian laws noong 1972.

Una nang naisapinal ng Korte Suprema ang pagbasura sa magkakahiwalay na naisampang motion for reconsideration nina Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos at Sen. Bongbong Marcos na may kinalaman sa naturang assets.

Bunga nito, inutos ng graft court kay acting chief judicial staff officer Albert dela Cruz na tiyaking maililipat ang kabuuang $42 milyon mula sa Philippine National Bank na naka-scrow sa Bureau of Treasury.

Sinasabing nang ma­ging pinal at executory ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa naturang assets ay agad na nagpetisyon ang Presidential Commission on Good Government sa Sandiganbayan para makapagpalabas ito ng writ of execution.

Makaraan nito, ina­asahan namang makapagpapalabas na rin ng pinal na desisyon ang Sandiganbayan hinggil sa sinasabing Malacañang jewelry collection.

ARELMA INC

BONGBONG MARCOS

BUREAU OF TREASURY

GOOD GOVERNMENT

ILOCOS NORTE REP

IMELDA MARCOS

KORTE SUPREMA

PANGULONG FERDINAND MARCOS

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with