Miriam ligtas na sa cancer, tatakbong pres. sa 2016
MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Senator Miriam Defensor-Santiago na ligtas na siya sa cancer at tatakbo siyang presidente sa 2016 kung marami ang susuporta sa kanya katulad ni Fr. Joaquin Bernas na naniniwala sa kanyang kakayahan.
Ayon kay Santiago, natalo niya ang kanyang sakit na cancer at marami siyang “career options” na pinagpipilian lalo pa at hindi na siya maaring tumakbong senador sa 2016.
Sa isang TV show noong Martes, sinabi ni Fr. Bernas na dapat ng magpahinga si Pangulong Aquino upang pagbigyan naman ng pagkakataon si Santiago.
Si Bernas ay kilala sa larangan ng constitutional law at naging miyembro ng 1986 Constitutional Convention.
Sa ilalim ng 1987 Constitution, limitado ang termino ng Pangulo sa anim na taon.
Nitong Hulyo ay inihayag ni Santiago na mayroon siyang stage 4 lung cancer na nadiskubre umano noong Hunyo.
Ayon sa tanggapan ng senadora, noong Agosto 12 ay nagpalabas ng report tungkol sa PET/CT scan ang St. Lukes Medical Center sa Bonifacio, Global City na nagsasabing ang tumor sa kaliwang baga ni Santiago ay mas lumiit na.
Sakaling tatakbo siyang muli, makikipag-alyansa si Miriam sa ibang partido tulad ng Liberal Party o Nacionalista Party na pinamumunuan ni dating Sen. Manny Villar.
- Latest