^

Bansa

Walang Pinoy sa ISIS - DFA

Ellen Fernando, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabulaanan kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na may mga rebeldeng Pinoy na nagsasanay kasama ang Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.

Ayon kay DFA spokesman Asec. Charles Jose, walang natatanggap na ulat ang diplomatic posts sa nasabing mga bansa na nagkukumpirma sa report na may 100 Pinoy Muslims ang nagsasanay sa pakikipaglaban.

Ipinaliwanag ni Jose na matagal nang ipinatutupad ang travel ban sa Iraq, Syria at Afghanistan dahil sa matinding bakbakan sa nasabing mga bansa.

Maging ang Armed Forces of the Philippines ay sinabing wala pa silang natatanggap na intelligence report kaugnay sa pagkakasangkot ng umano’y mga Pinoy Muslims sa ISIS.

Una nang sinabi ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na may mahigit 100 Filipino Muslims ang umano’y nagsasanay kasama ang ekstremistang grupo na siyang nagpapasimuno ng civil war sa Iraq at Syria.

Binanggit din ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may mga kabataan sa lalawigan ang nirecruit ng nasabing grupo. Sa kabila nito, inamin ng DFA na mahirap imonitor ang mga Pinoy Muslim na tumutulak patungong Jordan at Dubai saka didiretso sa Iraq at Syria.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ASEC

CHARLES JOSE

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FILIPINO MUSLIMS

ISLAMIC STATE OF IRAQ AND SYRIA

PANGULONG FIDEL V

PINOY MUSLIM

PINOY MUSLIMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with