VP Binay nakinabang sa Makati parking building

Vice President Jejomar Binay. File photo/AJ BOLANDO

MANILA, Philippines - Inamin ng isang dating bise-alkalde ng lungsod ng Makati na nakinabang siya sa kontrobersyal na Makati City Hall II parking building.

Sinabi ni Nestor Mercado sa phase 1 at 2 ng naturang gusali siya nakinabang at naniniwala siyang maging si si Bise-Presidente Jejomar Binay, dating alkalde ng lungsod, ay nakinabang din sa naturang proyekto.

"Kung ako ay nakinabang, imposibleng hindi nakinabang ang aking mayor," pahayag ni Mercado sa muling pagdinig ngayong Martes ng Senate Blue Ribbon Committee sa umano'y maanomalyang pagpapatayo ng parking building.

Samantala, iminungkahi ni Senador Antonio Trillanes IV na humarap si Binay sa Senado.MANILA, Philippines - Inamin ng isang dating bise-alkalde ng lungsod ng Makati na nakinabang siya sa kontrobersyal na Makati City Hall II parking building.

Sinabi ni Nestor Mercado sa phase 1 at 2 ng naturang gusali siya nakinabang at naniniwala siyang maging si si Bise-Presidente Jejomar Binay, dating alkalde ng lungsod, ay nakinabang din sa naturang proyekto.

"Kung ako ay nakinabang, imposibleng hindi nakinabang ang aking mayor," pahayag ni Mercado sa muling pagdinig ngayong Martes ng Senate Blue Ribbon Committee sa umano'y maanomalyang pagpapatayo ng parking building.

Samantala, iminungkahi ni Senador Antonio Trillanes IV na humarap si Binay sa Senado.

Hindi naman nakadalo sa pagdinig ang kasalukuyang alkalde at anak na lalaki ng pangalawang pangulo na si Jejomar Erwin "Junjun" Binay.

Nahaharap sa kasong pandarambong ang mag-ama dahil sa umano'y overpriced na gusali.

Hindi naman nakadalo sa pagdinig ang kasalukuyang alkalde at anak nalalaki ni  Makati City Mayor Jejomar Erwin "Junjun" Binay.

Nahaharap sa kasong pandarambong ang mag-ama dahil sa umano'y overpriced na gusali.

Show comments