^

Bansa

PNoy sa mga Pinoy: Iwaksi ang baluktot

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbabala si Pangulong Benigno Aquino III sa publiko laban sa mga nagpapanggap na repormista na nais manamantala.

"Wala nang mananakop, wala nang digmaan, wala nang batas militar. Subalit puspusan pa rin ang mangilan-ngilang gustong ibalik ang dating sistema ng pandurugas at panlalamang," wika ni Aquino sa kanyang talumpati ngayong Lunes sa paggunita ng Araw ng mga Bayani.

"Ito po ang laban natin ngayon: ang maging mapagmatyag sa mga naghahasik ng pagdududa at kasinungalingan; ang huwag maging kasangkapan ng mga nagpapanggap na tagapagsulong ng reporma; ang magwaksi ng baluktot at manindigan sa kung ano ang matuwid," dagdag niya.

Nauna nang sinabi ni Aquino na nais niyang mailuklok sa puwesto sa 2016 ang taong magpapatuloy ng kanyang mga nasimulang reporma.

Isa sa mga matunog ang pangalan ay si Interior and Local Government secretary Mar Roxas ngunit wala pang plano ang kalihim na tumakbo sa pagkapangulo.

Mainit din ang usapin sa pag-amyenda ng Saligang Batas upang muling makatakbo sa puwesto si Aquino.

Samantala, tiyak ang pagtakbo ni Bise- Presidente Jejomar Binay sa pagkapangulo sa 2016 kung saan napag-usapan din na ampunin siya ng Liberal Party bilang kanilang manok.

AQUINO

ARAW

BAYANI

ISA

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

SALIGANG BATAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with