^

Bansa

Mababang health literacy sa mga Pinoy kailangang sama-samang tugunan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aminado ang pinuno ng isang professional na grupo ng mga doktor sa Pilipinas na mababa pa ang kaalaman tungo sa kalusugan ng mga Pinoy na siyang dahilan bakit mataas ang antas ng pagkakasakit, mababang kalusugan at kahirapan sa bansa sa kasalukuyan.

Sa kanyang pahayag sa inilunsad na Watson’s Generics launch, nagpahayag si Dr. Anthony Leachon, taga pangulo ng Philippine College of Physicians na may direktang kaugnayan ang kaalaman sa mababang antas o lagay ng kalusugan ng mga Pinoy.

Para kay Leachon, dapat na tulong-tulong ang mga doktor, pharmacists at mga mamamayan upang maitaas ang antas ng kaalaman ng mga Pilipino hinggil sa tamang gamot, medisina at mga paraan upang matugunan ang mga sakit.

Isang paraan aniya ay ang pagbibigay kasana­yan sa mga pharmacists na siyang frontliners sa mga botika na magbigay ng payo sa mga bumibili ng mga gamot lalo higit sa paggamit ng generics medicines.

Sa ngayon, tanging ang Watsons pa lamang ang mayroong mga pro­pes­yunal at sakto sa kasanayang mga pharmacists na siyang aagapay sa mga consumer Pinoy na makabili ng mga gamot na sakto sa kanilang panga­ngailangang medikal.

Naglunsad din ng sariling generics medicines line ang Watsons na popular bilang lifestyle pharmacy brand sa Pilipinas at sa Asya. Kalat na sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas ang Watsons.

Layunin ng Watsons Generics na mabigyan ng mga sakto sa sangkap na mga generics medicines ang mga Pinoy sa mababang halaga.

vuukle comment

AMINADO

ASYA

DR. ANTHONY LEACHON

ISANG

PHILIPPINE COLLEGE OF PHYSICIANS

PILIPINAS

PINOY

WATSONS GENERICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with