^

Bansa

Kahit may TRO, BIR tuloy ang paghabol kay Pacquiao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi ititigil ng Bureau of Internal Revenue ang kanilang paghahabol kay Manny Pacquiao sa kabila ng temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema.

Sinabi ni BIR Commissioner Kim Henares na maaantala lamang ito dahil ng TRO ngunit hindi sila bibitaw.

Hinarang kahapon ng Korte Suprema ang kautusan ng Court of Tax Appeal na pagbayarin si Pacquiao at ang kanyang asawang si Jinkee ng P3.3 bilyon cash bond o P4.9 bilyon surety bond para sa tax liability ng boksingero noong 2008 at 2009.

Ipinatigil din ng mataas na hukuman ang pagpapatupad ng garnishment orders at tax lien sa boksingero.

Sinabi pa ni Henares na maghahain sila ng motion for reconsideration oras na makuha ang kautusan ng Third Division ng korte.

Dagdag niya na wala pa silang nakukuha mula kay Pacquiao mula nang sampahan ng kaso nitong nakaraang taon.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMMISSIONER KIM HENARES

COURT OF TAX APPEAL

DAGDAG

HENARES

HINARANG

KORTE SUPREMA

PACQUIAO

SINABI

THIRD DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with