^

Bansa

Euro trip ni Mike Arroyo pinayagan ng Sandiganbayan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagbigyan ng Sandiganbayan si dating First Gentleman Mike Arroyo na makalipad patungong Europe upang makapagbakasyon kasama ang pamilya.

Inaprubahan ni anti-graft court 5th Division chair Associate Justice Roland Jurado ang mosyon ni Arroyo na makalabas ng bansa mula Setyembre 21 hanggang Oktubre 10.

Sinubukang harangin ng piskalya ang biyahe ni Arroyo at sinabing hindi detalyado ang mga lugar na pupuntahan niya.

Samantala, inutusan naman ng korte ang kampo ng dating first gentleman na maghain ng hiwalay na mosyon para sa paglipad ni Arroyo patungong Japan at Hong Kong sa Oktubre 25.

Nahaharap sa kasong korapsyon si Arroyo sa Sandiganbayan dahil sa umano'y pagbebenta ng mga overpriced helicopters sa Philippine National Police noong 2009.

 

0IN

ASSOCIATE JUSTICE ROLAND JURADO

BOTTOM

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

HONG KONG

INAPRUBAHAN

MARGIN

OKTUBRE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with