^

Bansa

NFA officials hinamon ng lie test

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinamon ni rice trader Jomerito “Jojo” Soliman si National Food Authority (NFA) administrator Arthur Juan at apat pa na sabay-sabay silang magpa-lie detector test para magkaroon ng linaw sa akusasyon nitong extortion laban kina Juan.

Nagsampa ng P15 milyong extortion complain sa Natio­nal Bureau of Investigation (NBI) si Soliman laban kay Juan, sa assistant nitong si Atty. Patricia Galang at mga kasamahan umano na sina Jefferson Lee, Rainier Lim at Rommel Lim.

Ayon kay Soliman, hindi man admissible sa korte ang resulta ng lie detector test nilang anim subalit malaki ang maitutulong nito para magkalinawan sa mga isyu at akusasyon ng magkabilang panig sa kaso.

Noong nakaraang buwan ni-raid ng mga taong gobyerno ang warehouse ng Purefeeds sa Bulacan na pag-aari ni Soliman dahil umano sa may halong pagkaing hayop ang produktong bigas nito, na mariin namang pinasinungalingan ni Soliman.

Inayunan naman ito ni NFA director Rex Estoperez kung saan nilinaw nya na matapos ang masusing pagsusuri sa nakumpiskang bigas ng Purefeeds ay lumitaw na malinis at wala itong halo ng animal feeds.

ARTHUR JUAN

BUREAU OF INVESTIGATION

JEFFERSON LEE

NATIONAL FOOD AUTHORITY

PATRICIA GALANG

PUREFEEDS

RAINIER LIM

REX ESTOPEREZ

ROMMEL LIM

SOLIMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with