^

Bansa

2nd term ni PNoy dedo sa House

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Babarahin ng House of Representatives ang anumang pagtatangka ng ilang miyembro nito na ma-‘hijack’ ang nakabim­bing panukalang batas na sumususog sa mga probisyong pang-ekonomiya ng Konstitusyon sa pamamagitan ng pagsisingit ng probisyong nagtatanggal sa term limit ng halal na mga opisyal ng pamahalaan tulad ng sa Presidente.

Ito ang tinuran ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. sa pagsisimula kahapon sa debate ng Kongreso sa mga re­solusyong humihinging luwagan ang mga economic provision.

Ginawa ni Belmonte ang babala sa gitna ng mga pangamba na ilang mga lider ng Liberal Party ang magsisingit ng mga amyenda para mapalawig ang panunungkulan ni Pangulong Aquino at magsisilbing tila shortcut sa proseso ng political charter change (chacha).

Sinabi ng Speaker na ang panukalang pagtatanggal ng term limit sa mga halal na opisyal ay kailangang masusing talakayin sa mga pagdinig ng mga komite sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaukulang panukalang batas.

“Tututulan namin kung merong hakbang na magsingit ng mga am­yenda direkta sa plenaryo nang hindi nagsasampa ng isang panukalang-batas at hindi dumaan sa committee consultation. Hindi ito uusad,” sabi pa niya.

Sa ipinapanukalang amyenda sa economic provision ng Konstitusyon, aalisin na ang limitasyon sa pagmamay-ari ng mga dayuhan sa ilang industriya.

Ilang lider ng mababang kapulungan ang naunang nagpahayag na sisikapin nilang mapabilis ang pagpapatibay ng resolusyon para mailayo ito sa anumang pagtatangka na baguhin ang probisyong pulitikal ng Saligang Batas.

Nangunguna sa mga awtor ng resolusyon sina Belmonte at Majority Leader Neptali Gonzales Jr. na nagsabi pa na pinili nilang magsampa ng panukalang-batas sa pagsususog sa Konstitusyon para mapag-usapan ito sa Ehekutibo at mahinahong paraan sa mga pampublikong pagdinig.

Ipinaliwanag ni Gonzales na nakapasa sa mga pagdinig sa komite ang panukala nang walang tumutol dahil walang pulitika rito at tinitiyak ng mga lider ng Kamara sa publiko na hindi gagalawin ang probisyong pulitikal ng Konstitusyon.

Sinabi pa niya na magiging napakamahirap na maaprubahan ang mga amyenda sa probis­yong pulitikal ng Kons­titusyon dahil “Hindi ito magagawang mag-isa ng anumang partido pulitikal kahit ang LP.”

Ang mga nananawa­gan sa pagtanggal ng term limit ay dapat uma­nong makakuha ng su­porta ng ibang mga partido sa majority coalition tulad ng Nationalist People’s Coalition (NPC), National Unity Party, Nacionalista Party, Centrist Democratic Party, at mga party-list group.

BELMONTE

CENTRIST DEMOCRATIC PARTY

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

KONSTITUSYON

LIBERAL PARTY

MAJORITY LEADER NEPTALI GONZALES JR.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with