Legislative hearings nais gawin ni Jinggoy sa selda


MANILA, Philippines – Hiniling ng kampo ni Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na makapagsagawa ng legislative hearings ang senador sa loob ng Philippine National Police sa Camp Crame kung saan siya nakakulong para sa kasong plunder at graft.

Sinabi ng mga abogado ni Estrada kay Associate Justice Roland Jurado ng Fifth Division  na kailangan pa ring magampanan ng senador ang kanyang mga tungkulin.

Si Estrada ang chairman ng Senate Committee on Employment and Human Resources Development.

Nais ng kampo ng Senador na hayaan si Estrada tulad nang ginawa ni Senadr Antonio Trillanes IV nang makulong siya para sa kasong rebelyon.

Nagbigay ang hukuman ng limang araw upang makapagpasa ang kampo ni Estrada ng pormal na mosyon.

Nauna nang sinuspinde ng anti-graft court si Estrada sa kanyang mga tungkulin bilang senador sa loob ng 90-araw ngunit hinarang ito ng Senado.

Tulad ni Estrada, pareho ng kinakaharap ang kanyang mga kasamahang sina Senador Juan Ponce Enrile at Ramon Revilla Jr.,

Show comments