^

Bansa

Binay kay PNoy: Tunay na boses sana ang marinig

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nirerespeto ni Bise-Presidente Jejomar Binay ang pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III sa posibleng pag-amyenda sa Saligang Batas at ang mungkahing muling makatabo sa puwesto ang sinumang Pangulo.

Sinabi ni Binay sa kanyang Twitter account ngayong Huwebes na dapat lamang naman ay marinig ng sinumang opisyal ng gobyerno ang boses ng kanyang mga nasasakupan, ngunit kinakailangan ay maging mapanuri sa mga pinakikinggan.

"Any national leader would want to hear the voice of the people on issues that will have far-reaching consequences," pahayag ni Binay.

Kaugnay na balita: PNoy 'di matakaw sa kapangyarihan – Binay

"What is important is that the voice he hears is an authentic and genuine voice, not one manufactured by quarters with vested interests who are driven mainly by self-preservation.”

Iginiit ni Binay na dapat ay unahing tutukan ng gobyerno ang kapakanan ng mga Pilipino.

Sa panayam ng Pangulo sa TV5, kumabig si Aquino ukol sa isyu ng Charter Change at umaming may mga kailangang palitan sa Saligang Batas.

Nang tanungin kung bukas si Aquino na amyendahan ang isang termino lamang ng mga Pangulo, sumagot siya ng kailangan niyang pakinggana ang boses ng kanyang mga “boss” o ang boses ng publiko.

"Nung pinasukan ko ito, ang tanda ko one term of six years...Ngayon, after having said that, syempre ang mga boss ko, kelangan kong pakinggan 'yon," wika niya.

Nilinaw rin niya na hindi ibig sabihin nito ay tatakbo siyang muli sa 2016 national elections.

"Hindi naman ibig sabihin...na automatic na hahabol pa ako na magkaroon pa ako ng dagdag dito, 'no?"

AQUINO

BINAY

BISE-PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

CHARTER CHANGE

JEJOMAR C

PANGULO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SALIGANG BATAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with