Jovito Palparan arestado!
MANILA, Philippines - Nadakip na ang isa sa mga high-profile most wanted person sa bansa na si retired military official at dating kongresistang si Jovito Palparan ngayong Martes.
Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima sa kanyang panayam sa GMA News na nasakote si Palparan sa Sta. Mesa, Manila bandang alas-3 ng madaling araw.
Ang National Bureau of Investigation ang nanguna sa pagdakip sa dating opisyal ng militar na inayudahan ng Armed Forces of the Philippines' Naval Intelligence Group.
Kaugnay na balita: Palparan natatakot na ipatumba sa kulungan
Mula kahapon ay tinitiktikan na ng mga awtoridad ang lugar matapos makakuha ng intelligence information.
Dinala si Palparan sa NBI headquarters sa Maynila bandang alas-4 ng umaga.
May P2 milyong patong sa ulo si Palparan na inaakusahang pumatay sa ilang hinihinalang miyembro ng New People's Army.
Si Palparan din ang itinuturong nasa likod ng pagkawala ng aktibistang si Jonas Burgos at estudyante ng University of the Philippines na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.
- Latest