Mister nagbigti dahil sa sakit

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi na makayanan ang sakit na tuberculosis, tinapos ng isang lalaki ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanyang bahay sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi. Ang biktima ay kinilalang si Angelito Cabias, 42, ng Aloevera St., Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Ayon kay PO3 Jayson Tolentino ng Quezon City Police District Station 6, ang biktima ay natuklasan ng kanyang 17- anyos na anak habang nakabitin sa loob ng kanilang bahay dakong alas- 6 ng gabi.

Huli anyang nakitang buhay ang biktima ng kanyang anak alas-4 ng hapon matapos na kausapin nito ang huli at sabihing hirap na siya sa kanyang mga sakit na nararanasan.

 

Show comments