^

Bansa

SRP sundin, giit ni Castelo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinimok ni Quezon City  councilor Karl Castelo ang supermarket at grocery owners na gamitin lamang ang naitakdang suggested retail prices (SRP)  sa mga paninda bilang pagsuporta sa mga pamilyang mabawasan ang mga gastusin sa araw-araw lalo na ang mga tinamaan ng nagdaang kalamidad.

Binigyang diin ni  Castelo na may moral na pana­nagutan ang mga negosyante na tumulong sa kanilang mga parokyano  lalo na sa panahon ng  kagipitan sa pamamagitan ng pagsunod sa itinakdang tamang presyo sa kanilang mga paninda.

Ang pahayag ay ginawa ng Konsehal bilang re­aksiyon sa ulat na may mga negosyante ang nagbenta ng produkto na mas mataas sa SRP noong panahon ng kasagsagan ng bagyong Glenda.

Sinasabing  nadiskubre ng DTI na lagpas sa SRP o mas mahal umano ng P1 hanggang P3 ang pagbebenta ng condensed milk, powdered milk,  coffee refill, detergent soap,  instant noodles,  bottled water,  luncheon meat,  meat loaf,  corned beef,  beef loaf,  vinegar,  patis,  soy sauce at  toilet soap sa ilang mga naturang establisimiento.

Maghahain ng panukalang  resolusyon si  Castelo na mag-oobliga sa mga supermarkets at grocery store owners  na ipakita sa publiko ang opisyal na listahan ng DTI para sa SRP ng mga paninda para magabayan ang mga mamimili partikular ang mga mahihirap na taga-lungsod.

 

BINIGYANG

CASTELO

GLENDA

HINIMOK

KARL CASTELO

KONSEHAL

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with