MANILA, Philippines — Hiniling ng China sa South Korea na huwag ituloy ang donasyong barko sa Pilipinas, ayon sa isang ulat.
Inihayag ng The Chosun Ilbo na nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan nina Korean Foreign Minister Kim Kwan-jin at Defense Secretary Voltaire Gazmin, kung saan pinag-usapan nila ang kahilingan ng Chinese Embasssy sa Seoul na iurong ang pagbibigay ng 1,200 toneladang patrol boat at landing vessel.
Hindi pa rin maayos ang relasyon ng Tsina at Pilipinas dahil sa agawan sa South China Sea.
Nauna nang lumabas ang ulat na planong ibigay ng Korea ang Pohang-class guided missile corvett sa Pilipinas bilang “small token” sa mga Pilipinong nagsakripisyo noong Korean war.
Patuloy ang modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa administrasyon Aquino.