MANILA, Philippines – Kung si Commission on Human Rights (CHR) chairperson Etta Rosales ang tatanungin, hindi epektibo ang pagbabalik ng death penalty upang mabawasan ang krimen sa bansa.
Sinabi ni Rosales na walang makapagpapatunay na bumababa ang krimen sa bansa sa pagpapatupad ng parusang kamatayan.
Dagdag niya na dapat ay pag-igihin ng bansa ang pagpaparusa sa mga nahuhuling kriminal.
Kaugnay na balita: Death penalty buhayin – Herbert
"The best solution is the certainty of arrest, investigation, the certainty of prosecution, conviction and penalty. That, to me, is what we should focus on," wika ni Rosales sa isang panayam sa telebisyon.
Nabuhay ang usapin sa death penalty matapos irekomenda ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang muling pagpapatupad nito matapos makahuli ng hinihinalang Chinese drug pusher nitong nakaraang linggo.
Usap-usapan ang pagkahuli ng Quezon City sa umano'y pusher matapos makatanggap ito ng dalawang sampal mula sa nainis na alkalde.
Matapos ang insidente ay humingi ng paumanhi si Bautista kay Rosales