Hiling ni Enrile na idismis ang kasong plunder ibinasura ng Sandiganbayan

MANILA, Philippines - Tuluyan nang ibinasura ng Sandiganba­yan ang apela ni Sen. Juan Ponce Enrile na madismis ang kanyang kasong plunder na may kinalaman sa pork barrel scam.

Sa inilabas na reso­lusyon ng Sandiganba­yan 3rd division, tinanggihan din ng graft court na payagan si Enrile na makapagpiyansa kaugnay ng natu­rang kaso.

Sa kanyang argumento, sinabi ni Enrile na  dapat madismis ang kanyang kaso dahil rehashed lamang at may kalituhan ang charge sheet na naisampa sa kanya dahil sa kakulangan ng dagdag na impormasyon.

Binigyang diin din ng Sandiganbayan na walang karapatan si Enrile na makapagpiyansa kaugnay ng kasong plunder.

Anang graft court, bago payagan si Enrile na makapagpiyansa ay dapat muna itong sumalang sa mga pagdinig para makapagpakita ang prosekusyon ng mga ebidensiya para rito.

Nabatid na naghain na si Enrile ng petisyon sa Supreme Court para makakuha ng temporary restraining order (TRO) o writ of preliminary injuction upang ipatigil sa Sandiganbayan ang pre-trial at susunod pang pagdinig sa kanyang kaso.

Show comments