MANILA, Philippines - Dahil sa kanilang malaking ambag sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas, tulad ng kanilang remittances na kumakatawan ng 13.5% ng GDP ng bansa, hinihimok ang Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya na isalang ang kanilang entrepreneurial skills sa pagsali sa Tianggehan/Baratillo ng Greenhills Shopping Center, ang 21st Annual National Antique Show (Setyembre 12-Oktubre 6, 2014) at 21st Philippine Toys, Gifts, Housewares & Christmas Décor Fair (Oktubre 10-Nobyembre 3, 2014).
Isasagawa ng Prime Asia Trade Planner and Convention Organizer (PATEPCO) na may higit na apat na dekada nang nagpapatakbo ng baratillos, ang fairs ay isang bagong dimensyon sa OFWs na bilang mga baguhan ay maaaring maging matagumpay na mangangalakal, tulad ng iba pang beteranong stallholders na ang business career ay pinayabong sa kanilang partisipasyon sa Greenhills event sa higit na dalawang dekada.
Sa pagkilala ng kanilang malaking bahagi sa paglago ng ekonomiya ng bansa, hinamon ni PATEPCO President/CEO ang OFWs na magsimula sa maliit na negosyo ngunit mangarap nang malaki at samantalahin ang mga oportunidad na maging matagumpay na negosyante sa pamamagitan ng pamumuhunan ng bahagi ng kanilang income sa abroad sa pagkakaroon ng stalls sa Greenhills fairs. Binanggit ni Babiera ang report ng Bangko Sentral ng Pilipinas na mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon, umabot sa $1,927B ang cash remittances ng OFWs, ang pinakamalaking naitala simula nung Disyembre nung isang taon. Ito’y nangangahulugang bukod sa mga niluluwas na goods at serbisyo, ang remittance ay malaking factor, kung di man pinakamalaking pinanggagalingan ng foreign currency ng bansa.
Ang OFWs o kanilang designated relatives na interesadong magtayo ng stalls ay maaaring tumawag sa PATEPCO staffers, Arlene Emperado, 0905-3860004, Isidro Emperado, 0927-5317216, Jonjie Morquianos, 0918-6121060, Tessa Lara Cruz, 0927-6878761 at Tita Morquianos, 0977-1697560.