Lider ng NPA, tiklo

MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga opera­tiba ng militar at pulisya ang isang mataas na lider ng mga rebeldeng New People’s Army sa inilatag na operasyon sa Iloilo City, Iloilo noong Martes.

Kinilala ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala II ang nasakoteng pinuno ng mga rebelde na si Eduardo Almores Esteban gumagamit ng mga alyas na Ka Bonnie, Benny, at Pilo.

Sinabi ni Zagala na si Esteban ay dinakip ng mga awtoridad kamakalawa ng umaga sa Barangay Buntala, Jaro , Iloilo City sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ng Regional Trial Court Branch 2 ng Bangued, Abra.

Sa tala, si Esteban ay tumatayong director ng Communication Bureau ng Central Committee ng CPP-NPA at dating secretary ng Ilocos Cordillera Regional Party Committee ng CPP-NPA.

Noong Marso ay na­dakip ng security forces ang mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon na tumatayong number 1 at number 2 sa mga lider ng CPP-NPA-NDF sa isinagawang operasyon sa Cebu noong Marso 2014.

Isiniwalat naman ng opis­yal na si Esteban ay nagsusuperbisa ng maraming pag-aari nitong negosyo sa nasabing lungsod.

Show comments