^

Bansa

Impeachment vs Sereno nakaamba

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ilang lider ng House of Representatives ang nagpahiwatig kahapon ng posibilidad na maharap sa impeachment si Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno dahil sa umano’y maling paggamit sa Judiciary Development Fund (JDF) na iniimbestigahan ng committee on justice ng mababang kapulungan.

Sinabi ni committee vice chairman at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na sa unang pagdinig sa JDF ay lumilitaw na ang pondo ay ginamit sa bagay na iba sa pinaglalaanan ng batas. Ang  JDF ay nagmula sa mga court fees at iba pang pinagkakakitaan ng hudikatura. Sinabi nina Umali at Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe na maaaring i-subpoena si Sereno bilang tanging administrador ng JDF at hindi bilang puno ng isang hiwalay, independiyente at co-equal branch ng pamahalaan.

“Mukhang may mali sa paggamit ng JDF at kung makukumpirma ito sa susunod na mga pagdinig, lalabas na isa itong technical malversation na isang graft and corruption at basehan para sa impeachment,” sabi pa ni Umali.

AKO BICOL

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JUDICIARY DEVELOPMENT FUND

LOURDES SERENO

ORIENTAL MINDORO REP

REYNALDO UMALI

RODEL BATOCABE

SINABI

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE MA

UMALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with