^

Bansa

CJ Sereno inisnab ang JDF hearing

Butch Quejada, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi sinipot kahapon nina Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at mga opisyal nito ang paanyaya ng House Committee on Justice kaugnay sa gagawing pagdinig ng Kongreso sa Judiciary Development Fund (JDF).

Inisnab ni Sereno ang imbitasyon hinggil sa panawagan na am­yendahan o buwagin ang Presidential Decree 1949 na nagtatag sa JDF o pork barrel diumano ng Hudikatura.

Sa liham ni Sereno, sinabi nito na premature na paharapin ang isang tulad niyang pinuno ng co-equal branch ng Kongreso at ang manner, timing at venue kung saan siya pinahaharap ay inappropriate.

Sa halip nagpadala na lamang ng liham si Se­reno kay Deputy Court Administrator Raul Villa­nueva at Deputy Clerk of Court Corazon Ferrer Flores na nagpapaliwanag ng kanilang hindi pagsipot sa pagdinig.

Tumanggi naman sina Villanueva at Flores na humarap sa pagdinig dahil wala umano silang clearance mula sa Korte para dumalo rito.

Paliwanag naman ni House Justice Committee Chairman Neil Tupas Jr. na maraming dapat ipaliwanag ang Korte kaugnay sa paggugol ng JDF kabilang dito ang P2 bilyong savings umano sa hindi nagamit na pondo para sa unfilled positions sa hudikatura noong 2013 na ginamit para sa bonus at allowance ng mga taga hudikatura kaya umaasa ang kongresista na magpapadala si Sereno ng kinatawan sa susunod na pagdinig.

Ibinulgar naman ni Tupas ang ilang mga kwestyonableng gastos na pinupuntahan ng JDF tulad ng motorcycle loan, handgun loan, computer loan at iba pang loan na aabot sa P10.10 bilyon.

May financial as­sistance rin sa mga LGUs na kinukuha sa JDF na aabot sa halagang P17 bilyon. 

DEPUTY CLERK OF COURT CORAZON FERRER FLORES

DEPUTY COURT ADMINISTRATOR RAUL VILLA

HOUSE COMMITTEE

HOUSE JUSTICE COMMITTEE CHAIRMAN NEIL TUPAS JR.

JUDICIARY DEVELOPMENT FUND

KONGRESO

KORTE

PRESIDENTIAL DECREE

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with