Impeach vs PNoy hinarang
MANILA, Philippines - Pumirma na ang mahigit sa 30 miyembro ng partylist coalition sa Kamara sa isang resolution bilang pagtutol sa impeachment laban kay Pangulong Aquino.
Ayon kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe, mula sa 42 kasapi ng partylist coalition ay 30 na rito ang lumagda.
Siniguro naman ni Batocabe na lahat ng kanilang miyembro ay pipirma at wala pa lamang panahon ang ibang kasapi ng koalisyon para lumagda rito.
Paliwanag pa ng kongresista na ang resolusyong ito ay hindi na nila ihahain pa sa Kamara dahil magsisilbi na itong manifestation na isusumite nila sa House Justice Committee kapag tinalakay na ang tatlong impeachment complaint laban kay PNoy.
Nais lamang umano nilang manindigan laban sa impeachment dahil sa malaking abala ito sa trabaho ng Kamara na pwedeng makaapekto sa deliberasyon sa ibang mas mahahalagang panukala sa kapulungan.
- Latest