LP 'di dadalhin si Binay sa 2016, Mar pwede
MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Senate President Franklin Drilon ngayong Martes ang usap-usapang kukunin ng Liberal Party si Vice President Jejomar Binay bilang kanilang manok sa 2016 elections.
Sinabi ni Drilon na isang executive committee member na wala pa silang plano para sa susunod na Presidential election.
"All I can say is that the spin masters are having their day. There is no such thing (plan to adopt Binay)," banggit ni Drilon sa kanyang panayam sa telebisyon.
Aniya nakadepende ang desisyon ng LP sa pipiliin ni Pangulong Benigno Aquino III.
"Certainly, the president will anoint somebody who will continue the reforms and who can show that indeed he is a candidate that has supported the reforms that were done by the president.”
Dagdag niya na nakabukas ang kanilang pinto para kay Interior and Local Government secretary Mar Roxas kung plano niyang tumakbo bilang Pangulo.
Pero sinagot din ng Senate President ang tanong na maaari bang mangyari nga ang pagkuha ng LP kay Binay.
“Anything is possible under the sun," sagot ni Drilon.
- Latest