MANILA, Philippines - Isinumite na ni Rehabilitation czar Sec. Panfilo Lacson kay Pangulong Aquino ang P170.9 bilyong master plan para sa mga lugar na sinalanta ni bagyong Yolanda particular sa Eastern Visayas.
Ibinigay ni Sec. Lacson kay Pangulong Aquino ang plano sa paggunita sa death anniversary ni dating Pangulong Corazon Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque City. Aabot sa 8,000 pahina ang nabuong plano ng mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan sa pangunguna ng opisina ni Lacson.
Kabilang sa mga nakapaloob sa master plan ay ang infrastructure na nagkakahalaga ng mahigit P35.1 billion, resettlement na P75.6 billion, livelihood na P33.6 billion at social services na aabot sa P26.4 billion.