MANILA, Philippines - Bagamat nananatili ang lakas ng bagyong Inday ay inaasahan namang lalabas na ito ngayong araw ng Huwebes sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Alas 11 ng umaga kahapon, si Inday ay nasa layong 620 kilometro silangan ng Basco Batanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras.
Bagamat palabas na si Inday ay patuloy naman nitong pinaiigting ang habagat na magdudulot ng mga pag-uulan sa Luzon partikular sa Metro Manila gayundin sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol region, Cagayan valley, Zambales at Bataan kasama ang Visayas area.