MANILA, Philippines - Binago ng Professional Regulations Commission (PRC) ang licensure examinations para sa mga guro, physicians at sanitary engineers sa susunod na buwan, bunsod na rin ng katatapos na centennial celebration ng Iglesia Ni Cristo.
Ayon sa PRC, ang Board Licensure Examinations for Professional Teachers (BLEPT) ay idaraos sa Agosto 17 at ang deadline nang paghahain ng aplikasyon para dito ay nagtapos na noong Hunyo 14.
Ang Board of Licensure Examinations for Physicians (BLEP) na orihinal na naka-schedule sa Agosto 16, 17, 23 at 24, ay inilipat naman sa Agosto 23, 24, 30 at 31.
Ang Board of Licensure Examinations for Sanitary Engineers naman ay orihinal na naka-schedule sa Agosto 12, 13, at 14 na inilipat sa Agosto 26, 27, at 28 at ang huling araw nang pagsusumite ng aplikasyon ay itinakda ng PRC sa Agosto 6.