^

Bansa

66K retiradong pulis ‘di makakatanggap ng pension

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naalarma ang may 66,000 pensiyonado ng Philippine National Police (PNP) sa naging pahayag ni PNP spokesman Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, na hindi makakatanggap ng kanilang mga pensiyon ngayong Agosto ang mga retiradong mi­yembro ng PNP.

Ayon kay ret. P/Col. Felicisimo Lazaro, presidente ng Manila’s Finest Retirees Association Inc. kukuwestiyunin nila sa korte ang ipinalabas na Garnishment Order laban sa P3.9 bilyon PNP fund na ipinalabas ng Manila Regional Trial Court Branch 32 sa sandaling hindi nila bigyan ng pensiyon ang mga retirado sa Agosto.

“Maawa naman po sila sa matatandang pulis na isang hakbang na lang sa hukay,” ayon kay Lazaro.

Bukod dito, may nakalaan na umanong pondo na P22.9 bilyon ang gobyerno para sa PNP retirees fund kaya hindi nila maaring hindi ibigay ang pensiyon ng mga retiradong pulis.

Iginiit ni Lazaro na ang nabanggit na pensiyon na lamang ang kanilang inaasahan sa kanilang pang-araw-araw na pa­ngangailangan matapos na sila ay magretiro.

Kaugnay nito, nalaman na may P3.9 bilyon pa na umano’y back-end pension na hindi naibigay mula pa noong 1991 hanggang 2006 sa mga retiradong INP-PNP personnel ang  hinihintay na ibigay.

vuukle comment

AGOSTO

CHIEF SUPT

FELICISIMO LAZARO

FINEST RETIREES ASSOCIATION INC

GARNISHMENT ORDER

LAZARO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REUBEN THEODORE SINDAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with