P2.6T budget sa 2015 isinumite na sa Kamara

Isinumite ni Budget Sec. Butch Abad (pangalawa sa kanan) kay House Speaker Sonny Belmonte (pangalawa sa kaliwa) ang mungkahing P2.606T national budget para sa 2015. Nakamasid naman sina Majority leader Neptali Gonzales at Committee on Appropriations chairman Rep. Isidrp Ungab. (Boy Santos)

MANILA, Philippines - Isinumite na ng Ma­lacañang sa Kamara ang panukalang P2.606 trillion 2015 National Budget para mahimay ito ng maayos sa Kongreso.

Inihain kahapon ni Budget Secretary Butch Abad kay House Speaker Feliciano Belmonte ang panukala na nakapaloob sa anim na makapal na libro.

Ang nasabing proposed expenditure program sa susunod na taon ay mas mataas ng 15.1 percent kesa ngayong 2014 na may P2.265 trillion budget na kumakatawan sa 18.4 percent ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

Ang Social Servi­ces ang may pinakamalaking budget dahil kumakatawan ito sa basic education partikular sa K to 12 program ng gobyerno, universal health care at conditional cash transfer na pinondohan ng P967.9 billion

Ang halagang ito ay mas mataas ng 15 percent sa 2014 National Budget na P841.8 billion.

Ang Top 10 department na nabigyan ng malaking budget ay ang DepEd na P364.958 bilyon, DPWH P300,519 bilyon, DND P144.036 bilyon, DILG P141,423 bilyon, DSWD P108,970 bilyon, DOH P102,178 bilyon, DA P88,818 bilyon, DOTC P59,463 bilyon, DENR P21,290 bilyon at Judiciary P20,285 bilyon.

Ilalaan naman ang P64.7 bilyong pondo ng gobyerno para sa Conditional Cash Transfer program kung saan nasa 4.4 milyon umano ang benepis­yaryo.

Show comments