Special allowance ng SC justices sisilipin ng Kamara
MANILA, Philippines - Sisiyasatin na rin ng House Committee on Justice ang Special Allowances for the Judiciary (SAJ) bukod pa sa Judiciary Development Fund (JDF) ng mga ito.
Ayon kay Iloilo Rep. Niel Tupas, chairman ng komite, dapat ng alisin na ang Republic Act 9227 na ginagamit para sa special o extra allowance ng mga mahistrado at hukom sa bansa na katumbas umano ng halos 100 porsiyento ng kanilang basic salary.
Taong 2012 pa ng imungkahi ng Malacanang na tanggalin na ang SAJ dahil kasama ang mga mahistrado at hukom sa salary increace ng magkaroon ng taas sahod ang mga empleyado ng gobyerno noon kaya gusto rin ng Department of Budget and Management na ibalik ang ‘SAJ funding’ nito sa national treasury.
Gayunman, kinontra nila ito dahil maaapektuhan anya ang kalayaan ng Hudikatura.
- Latest