MANILA, Philippines - Muling masisilayan ang pag-ulan ng bulalakaw sa huling linggo ng buwan ng Hulyo.
Ayon sa PAGASA, mararanasan ng mga taong mahilig manood ng bituin sa kalangitan ang southern delta aquarids meteor shower simula Hulyo 28 hanggang 31, 2014.
Pero ang pinaka-rurok nito ay magaganap sa hatinggabi ng Hulyo 29 at 30, kung saan maaaring matanaw ang hanggang 15 bulalakaw sa loob ng isang oras.
Ang nasabing astronomical event ay mula sa Aquarius, Capricornus at Piscis Austrinus na nagbibigay ng magandang pagtatanghal ng bulalakaw sa kalawakan sa umaga ng huling bahagi ng Hulyo.
Ang Aquarids ay hinango sa pangalan ng constellation Aquarius o “Water Bearer” na unang natuklasan ng mga eksperto mula sa bansang Greece.