25K pamilya sa MM sinagip
MANILA, Philippines - Umaabot na sa 25,000 pamilya na nakatira sa mga estero at iba pang delikadong lugar sa Metro Manila ang nasagip at nailikas sa relocation sites ng pamahalaan.
“The government’s target is to relocate around 100,000 informal settler families living in eight major waterways and danger areas in Metro Manila,” wika ni DILG Sec. Mar Roxas na nanguna sa paglilikas sa mga pamilyang nasa danger zones sa ilalim ng programang “Oplan Likas” o ang Lumikas para Ligtas sa Kalamidad at Sakit.
Nasa 200 pamilya ang target masagip kada linggo mula sa mga danger zones kung saan nagbigay ang gobyerno ng relokasyon sa Cavite, Batangas at Laguna.
Nitong Biyernes 98 pamilyang iskwater mula sa Estero Tripa de Gallina sa Brgy. 156 sa Pasay City ang inilipat ng tahanan sa NHA Housing Project sa Brgy. Hugo, Trece Martirez City, Cavite.
“Higit sa lahat, may drainage po iyon at hindi binabaha. Makakatulog ang tao ng mahimbing na walang agam-agam na maaari silang masawi,” ayon pa kay Roxas.
- Latest