MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Southern Leyte ngayong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang sentro ng lindol sa walong kilometro timog-silangan ng Hinundayan, Southern Leyte kaninang 7:57 ng umaga.
May lalim na anim na kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.
Ayon sa Phivolcs, gumalaw ang Philippine Fault Zone Leyte Segment kaya nagkaroon ng lindol.
Naramdaman ang lindol sa mga sumusunod na lugar:
Intensity VI (very strong) - Hinunangan at St. Bernard, Southern Leyte
Intensity IV - Tacloban City
Intensity III - Palo, Leyte
Intensity II - Cebu City, Talisay City, Surigao City
Intensity I - Lapu Lapu City
Nagbabala ang Phivolcs sa mga aftershocks.