^

Bansa

Bataan nuke plant ilalarga

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bukas ang gobyerno sa panukalang gamitin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) bilang energy source upang magkaroon ng dagdag na supply ng kuryente ang Luzon.

Ayon kay Comm. Sec. Herminio Coloma, mainam na pag-aralang mabuti ang panukalang tulad nito na gamitin ang BNPP bilang power source gamit ang natural gas tulad ng panukala ni Mindoro Rep. Reynaldo Umali.

Isang Korean power firm ang nagpahiwatig ng interes upang buhayin ang BNPP subalit hindi bilang nuclear plant kundi gamit ang natural gas.

Inaasahan ni Rep. Umali na kapag ginamit ang BNPP gamit ang na­tural gas ay makakalikha ito ng karagdagang 1,800 megawatts at sapat na upang malutas ang inaasahang kakulangan sa supply na 400-500 megawatts sa susunod na taon.

Nagpatawag ng pulong si PNoy kahapon sa Malacañang kasama si Energy Sec. Jericho Petilla upang pag-usapan ang energy concerns ng bansa tulad ng inaasahan nitong shortage sa supply sa 2015.

Itinayo ang BNPP sa panahon ng Marcos regime sa Morong, Bataan dahil sa inaasahang kakapusan ng supply ng kuryente subalit hina­rang ito ng mga militante hanggang sa magpalit ng gobyerno sa pag-upo ni dating Pangulong Cory Aquino at hindi na ginamit ang nasabing BNPP pero patuloy na binayaran ng gobyerno ang utang nito sa Westinghouse na siyang nagtayo ng planta.

Hanggang sa kasalukuyan ay milyon-milyon pa rin ang ginagastos ng gobyerno para sa maintenance ng nasabing planta kahit hindi ito nagagamit.

vuukle comment

BATAAN NUCLEAR POWER PLANT

ENERGY SEC

HERMINIO COLOMA

ISANG KOREAN

JERICHO PETILLA

MINDORO REP

PANGULONG CORY AQUINO

REYNALDO UMALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with