Bank accounts nina JPE, Bong at Jinggoy pinabubusisi ng CA

MANILA, Philippines - Pinabubusisi ng  Court of Appeals (CA) ang mga bank accounts nina Senador Juan Ponce Enrile, Bong Revilla, at Jinggoy Estrada na nahaharap sa mga kasong graft at plunder kaugnay ng pork barrel scam.

Nakasaad sa  reso­lusyong inilabas ng CA 2nd Division na may petsa na Mayo 27 at pirmado ni Associate Justice Manuel Barrios bago pa man arestuhin ang mga akusadong senador.

Una nang naghain ng petisyon ang Anti-Mo­ney Laundering Council (AMLC) para masuri ang mga bank account ng mga mambabatas sa layong matukoy ang nalikom sa scam. Binigyan ng CA ang AMLC ng 90 araw para isagawa ang eksaminasyon.

Saklaw nito ang mga account ng mga mambabatas sa Land Bank of the Philippines, Security Bank, Bank of the Philippine Islands (BPI), at Metrobank.

 

Show comments