^

Bansa

7,417 sako ng bigas bigay ng NFA sa Glenda victims

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kabuuang 7,417 sako ng bigas ang naipagkaloob ng National Food Authrity (NFA) sa mga nasalanta ng bagyong Glenda sa Regions 1, 3, 4, 5, 8 at National Capital Region (NCR).

Ang Region 5 na ma­tinding sinalanta ng natu­rang bagyo ang tumanggap ng mas maraming suplay ng bigas na 5,787 bags, sinundan ng Region 8 - 2,070 bags; NCR - 170 bags; Region 4 - 120 bags; at Region 1 - 100 bags.

Naipamahagi ang naturang mga bigas sa  pamamagitan ng local government units (LGUs), Philippine National Red Cross (PNRC) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kaugnay nito, inatasan ni Presidential adviser on food security and agricultural modernization Kiko Pangilinan si NFA administrator Arthur O. Juan na magmonitor sa galaw ng suplay ng bigas sa mga palengke at iba pang pamilihan upang matiyak na sapat ang suplay ng NFA rice at commercial rice sa tamang halaga.

Sa ngayon ang NFA rice ay may halagang P27 kada kilo at P32 kada kilo ng well-milled rice.

ANG REGION

ARTHUR O

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

GLENDA

KABUUANG

KIKO PANGILINAN

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL FOOD AUTHRITY

PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with