MANILA, Philippines - Sa pag-arangkada ng disaster risk reduction centers ng pamahalaan sa buong bansa alinsunod sa Republic Act 10121, o mas kilala sa Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, muling ilulunsad ng Condoza Software Solutions Corp. (CSSC) ang kauna-unahan sa bansa at state-of-the-art na disaster management software sa Lunes, Hulyo 21, ika-1:00 N.H. sa Ascott Hotel sa Makati City.
Ang software na unang produkto ng CSSC mula nung itinatag ito nung 2009 nina Tess Conroy at Michael Conroy, ay tinatawag na Hazard Management Centre na sakop ang protective services, safety, health, environment at disaster management o PSSHED. Ang software ay nagbibigay ng central connectivity sa mga ahensya ng pamahalaan, mga siyudad at munisipalidad at malalaking negosyo na may multiple sites para epektibong malutas ang mga isyu. Ang muling paglulunsad ay kasabay ng pagpapakilala sa isang bagong module, ang Structural Health Monitoring, na kailangang magkaroon ang mga gusali na may higit 10 palapag na pinag-uutos ng Department of Public Works and Highways – National Building Code Development Office Memorandum Circular No. 03 series of 2011.
Ang bagong module sa Structural Health Monitoring ay nagbibigay ng real time critical data tulad ng ground motion, peak ground acceleration, velocity, displacement at GPS data na ihahatid sa remote date center kapag ang sensors ay naudyok ng isang event. Itong impormasyon ay magagamit ng structural engineers upang tumawag o magbigay ng alerto kung ang structure ay may panganib at tulungan ang building managers/owners na makapag-desisyon. Bukod sa Structural Health Monitoring System, ang Earthquake Early Warning Systems at Geo-technical Monitoring ng building foundations ay puwedeng i-integrate. Ang Tilt meters, slope indicators (inclinometers), atbp. at P Alert Earthquake Early Warning system ay inihanda ni Romano Paladio ng Drilling Advisory & Logistics Corp. na isa sa participants.
Para sa detalye sa event, tumawag kina Eric Juan, EVP-Operations, 09179013204 o Dominic Da Silva, EVP Sales & Marketing, 09279189980.