54 na patay kay 'Glenda'

EDD GUMBAN

MANILA, Philippines — Patuloy pa ang pagdami ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong “Glenda” sa Luzon, ayon sa state disaser response agency ngayong Biyernes.

Sa huling pagtatala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 54 katao ang nasawi sa hagupit ng bagyo.

Dagdag nila na karamihan sa mga nasawi ay pawang mga taga Calabarzon at nangungunang dahilan ay nabagsakan ng mga puno.

Ilan pa sa mga nasawi ay mula sa Metro Manila, Central Luzon, Mimaropa, Bicol region, Western at Eastern Visayas.

Samantala, dalawang katao pa mula Calabarzon at Mimaropa ang nawawala, ayon pa sa NDRRMC.

Nasa ilalim pa rin ng state of calamity ang lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Samar, Laguna, Naga City.

Tinatayang P892 milyong halaga ng impastraktura ang nasira, habang P4.5 bilyon naman ng agrikultura ang nasira.

Si Glenda ang pampitong bagyo ngayong taon na tumama nitong kamakalawa.

Show comments