Kamara dumipensa na rin sa DAP

MANILA, Philippines - Idinipensa na rin ng mga kongresista ang paggamit ng Disbursement Acceleration Program (DAP) sa pamamagitan ng Sitio Electrification Program at weather forecasting ng PAGASA at project Noah.

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na chairman din ng House Committee on Energy, malaki ang naitulong sa publiko ng 1.26 bilyon na ibinigay ng Malakanyang para mapailawan ang maraming lugar sa bansa.

Dahil din umano sa DAP ay umabot pa sa 6,163 na Sitio ang napailawan sa ilalim ng Sitio Electrification Project. Sobra umano ito sa orihinal na target ng proyekto na 4,053 Sitio lamang kaya ibig sabihin lamang umano nito na maraming bahay ang hindi na de gasera dahil sa DAP lalo na sa mga kanayunan.

Para naman kay Iloilo Rep. Jerry Trenas, malaki umano ang naitulong ng DAP para maisakatuparan ang bahagi ng moder­ni­sasyon na matagal ng hangad ng PAGASA kaya naiwasan na ang dating hit and miss forecast ng naturang ahensiya.

Sa pamamagitan umano ng P150 milyon mula sa DAP ay napakalakas ng Dappler radar network at nakapagpatayo pa ng dagdag na doppler radar stations sa Western Seabord. May P275 milyon din umanong inilaan mula sa DAP para sa makabagong IT facilities ng National Meteriological climate center­ sa ilalim ng DOST.

 

Show comments