^

Bansa

25,856 silid aralan nasira kay ‘Glenda’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May kabuuang 25,856 na  silid-aralan sa 12 rehiyon ang sinasabing nasira sa pananalasa ng bagyong Glenda sa bansa.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Sec. Armin Luistro, inu­umpisahan na sa ngayon ang pagkukumpuni sa mga classroom na sinira ng bagyo. Inihayag pa ni Luistro na mahigit sa 50 school divisions ang nagbalik-eskwela na  kahapon.

Kabuuang 187 paaralan naman sa ngayon ang ginagamit bilang pansamantalang evacuation centers simula pa noong umpisahan ang pagha­handa sa pananalasa ng bagyo.

Nilinaw naman ni DepEd Assistant Secretary Reynaldo Laguda na hindi pa lahat ng school division at mga paaralan ay nakapag-report na hinggil sa kani-kanilang estado dahil sa kawalan ng suplay ng kuryente.

Sinabi ni Ayuda, karamihan sa mga hindi pa nakapag-establisa ng kontak sa DepEd ay yaong mula sa Regions IV-A, IV-B at V.

ARMIN LUISTRO

ASSISTANT SECRETARY REYNALDO LAGUDA

AYON

AYUDA

DEPARTMENT OF EDUCATION

GLENDA

INIHAYAG

KABUUANG

LUISTRO

NILINAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with