MANILA, Philippines — Isa nang ganap na bagyo ang binabantayang sama ng panahon ng state weather bureau.
Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa 990 kilometro silangan ng Hilagang Mindanao.
Taglay ng bagyo ang lakas na 45 kilometers per hour (kph), ngunit mabagal ang paggalaw nito.
Kaugnay na balita: Posibleng bagong bagyo malapit na sa Pilipinas
Pangangalanang “Henry” ang bagyo kung tuluyan itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility, dagdag ng PAGASA.
Sinabi pa ng state weather bureau na wala pang direktang epekto ang bagyo.
Samantala, makararanas pa rin ng paminsan-minsang ulan ang mga lalawigan ng La Union, Benguet, Pangasinan, Bataan, Zambales, Palawan at Mindoro.
Magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap ang kalangitan ng buong bansa na may pulu-pulong pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat.